SOCIAL MEDIA

Ano ba ang naidudulot ng social media sa atin?

Ang naidudulot ng social media ay may MABUTI ang mabuting dulot nito sa atin ay napapabilis ang paghahanap natin sa mga ating hinahanap gaya ng assignment,project at iba pa.

Ang HINDI MABUTING dulot ng social media ay ito ay nagagamit sa pangbubully naman kilala sa tawag na CYBERBULLYING at panonood ng mga malalaswang video sa internet.

-JUDA BENHUR ANORE

mabuting naidudulot ng social media sa mga kabataan

simulang nang ilabas ang mga kagamitan ng social media ay ang mga kabataan ay hindi na nag lalbas ng bahay dahil sa mga gudget na pina bago ang mga kabataan sa pag lalaro ng bagong teknolohiya ngayun .

ang social media ay na kakatolong din sa mga kabataan sa pag cocommonication sa malalayong logar at kung may mabuti may masama din itong naidudulot sa mga kabataan tulad ng panonood ng mga malalaswang larawan o video .

pwede ka rin magtinda ng mga prodokto sa social medya para makatolong sa ibang tao katulad ng papaganda ng kutis o mga damit na pamurma .

by : Aljess Hoyumpa

ANO ANG MABUTING MAIDUDULOT NG SOCIAL MEDIA .

ADVANTAGES
-Ang ilang mahuhusay na teknolohiya, mapag-iisip at nagbibigay-ideya sa mga indibidwal na may , hindi pa naka-plug sa social media. Natitiyak ko na ang mga ito ay sumasama din sa lalong madaling panahon dahil ang social media ay hindi lamang isang plataporma para sa madali at simpleng advanced na pagmemerkado sa online, ito rin ang rebolusyon ng ating siglo! nakakatulong ito para mapadali ang mga pangangalap ng inpormasyon,

DISADVANTAGES
-ang mga gumagamit ng social medya,maaring sanhi nito ang hindi pagkatututo ng isang studyante dahil sa pagiging adik at subra sa pagamit.Marami sa mga tao na gumagamit nito upang hindi na sila mapagod.

NAME:alvin bacurin
SEC.Auto

TORETE

Torete means your being crazy or paranoid. The tagalog word torete is used to describe a person who is inlove with their special someone. This mostly used when the couples getting an argument.

NAME:jeremy c. blancaflor
SEC:Auto

“MABUTING NAIDUDULOT NG SOCIAL MEDIA SA KABATAAN”

“Socia media”
by: Rich Steven M. Osiang

Facebook,Twitter,Instagram ayan ang mga unang pumapasok sa isipan ng mga tao kapag narinig ang salitang social media. Ngunit ano nga ba talaga ang paka hulugan ng social media? Ang social media o ang maka modernong gawain at gamit ng teknolohiya ay sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin angkatotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumangaspeto ng buhay ng isang tao.

May maganda at mabuting dulot ang Social Media, Ano-ano nga ba ang mga ito? Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon, tulad ng mga nagtratrabaho bilang OFW. Kahit nasa ibang bansa sila, maaari nilang kausapin ang kanilang mga pamilya. Ang Instagram, Pinterest at iba pa, ay ginagamit upang makapag “upload” ng mga litrato upang malaman ng iba ang iyong mga interes. Dahil sa pagkaimbento ng social media maaari na makipag-usap sa mga kaibigan, kamag-anak, o kapamilya sa abroad o sa mga malalayong lugar. Kahit saan man sila sa buong mundo, dahil ng social media, kaya mo siyang kausapin o i-chat. Nasasabi mo na din kung ano-ano ang nasa loob ng isip mo at mapadadama mo na sa iba ang iyong mga ideya, komento, o mga opinyon tungkol sa isang bagay. Maaari ka ring magshare ng mga interes mo tulad ng mga kanta, maaari mo itong ipamahagi sa mga kaibigan mo gamit ang social media. Pwede ring mga videos o litrato na sa tingin mo ay nakakatawa o may kakaibang kahulugan sa pang-araw-araw mong buhay. Dahil mayroong socail media, kaya mo nang subaybayan ang iyong mga kaibigan kahit wala sila sa tabi mo upang kuwentuhan ka kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Kahit na magkalayo kayo ay kaya mo pa rin malaman ang mga nangyayari sa kanyang buhay na gusto mong malaman. Ito ay iilan lamang sa mga kabutihang dulot ng Social Media.

Subalit, kung may magagandang epekto ang social media, mayroon ding namang masasamang epekto ito. Ngayon kasi maraming kabataan ang naaadik sa paggamit ng mga ito. Sa gabi maraming kabataan ang napupuyat sa pagggamit ng Facebook. Hindi ito maganda sa mga kalusugan ng mga lumalaking mga kabataang tulad ko. Tuwing natutulog lang tayo lumalaki at tuwing natutulog lang tayo nakakapag pahinga sa mga ginawa natin buong araw. Social media rin ang may dahilan kung bakit ang ibang mga tao ay binabago nila ang kanilang mga impresyon sa ibang tao. Niloloko nila ang mga kaibigan nila at niloloko nila ang sarili nila. Hindi nila kailangan magbago para lamang sa ibang tao. Ikaw ay maging ikaw. May mga ilan na masyado silang bukas sa social media at minsan nasasabi nila ang mga hindi na dapat nila sabihin sa publiko. Katulad ng mga sekreto na tila hindi dapat ikinakalat sa mga social media. Nawawalan na sila ng mga privacy at ng personal space. Sa palagay ko, dapat ding tingnan paminsan-minsan ng mga magulang ang mga social media accounts ng mga anak nila, dahil baka hindi na nila alam kung sinu -sino na pala ang kanilang mga nagiging kaibigan. Maaring hindi nila kakilala at biglang sinabi na gustong magkita, mas lalo na mapapahamak ang inyong mga anak. Hindi na pati lumalabas ang mga kabataan para maglaro ng mga larong kalye tulad ng patintero, batong bata, tumbang lata, at iba pa. Ipingapapalit na nila ito para sa mga online games tulad ng candy crush, plants vs. zombies at iba pang mga larong online o kakabit ng kanilang mga social media accounts. Nakakaapekto rin ito sa pag-aaral. Kapag masyadong maraming oras ang inilaan sa social media, maaaring nakakalimutan na ang mag-aral para sa mga pagsusulit o di kaya sa quiz. Kapag hindi ito tinutukan ng mga magulang ay palagi na lamang ganito ang buhay ng mga bata. Kaya dapat maging strikto ang mga magulang sa pag-didisiplina ng mga anak. Kagaya ng mga magagandang benepisyo, iilan lamang itong masasamang epekto ang aking naisulat, marami pang iba. Pero sa huli, palagay ko na ang balanseng paggamit ng social media ay mabuti pa rin. Ang masasamang epekto nito ay maiiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang mga kabataan na gumagamit nito, at gayun na din dapat may sapat na self-control.

MABUTI AT MASAMANG NAIDUDULOT NG SOCIAL MEDIA

ANG MABUTING NAIDUDULOT NG SOCIAL MEDIA SA ATIN AY MARAMI TULAD NG NAPAPADALI ANG PAKIKIPAG KOMUNIKASYON TULAD NG MGA TAO SA ABROAD O OFW MAS MAPAPADALI ANG PAKIKIPAG USAP NILA SA MGA PAMILYA NILA NAGIGING PHOTO ALBUM NARIN ITO DAHIL DITO NA PREPRESERVE ANG MGA LARAWAN NA MAHAHALAGA AT HINDI MAWAWALA AT MARAMI PANG IBA..

 

ANG MASAMANG NAIDUDULOT NAMAN NITO AY KARAMIHAN SA MGA MINOR NAKAKAGAWA SILA NANG MGA DESISYON NA PABARA BARA AT DOON LUMALABAS YUNG CYBER CRIME AT KADALASAN ANG BULLY ANG NAGAGANAP NA GANUN.

CREDITS:CHRISTIAN FERNANDEZ